TV

Rufa Mae Quinto: 'Hindi ko kailangan manlait para makapagpatawa'

By AEDRIANNE ACAR

Excited na ang marami nating mga Kapuso sa hinandang espesyal na 20th anniversary episode ng Bubble Gang bukas (November 27).

#IMBG20: Throwback photo of the original cast of 'Bubble Gang' 
#IMBG20: To grant one wish 

Umaatikabong tawanan ang tiyak na mapapanood ninyo at higit na mas makikilala niyo ang mga tao na nasa likod ng hit gag show ng bansa sa special documentary na ginawa para sa kanilang anibersaryo.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto, hindi pa din daw siya lubos na makapaniwala na tumagal sila ng dalawang dekada.

Saad ni Rufa Mae, “ I can’t believe it, 20 years na ang Bubble Gang na non-stop, so it only shows na we're doing the best for the fans and for the Filipinos, 'di ba kasi 20 years na walang patid.”

Dagdag niya sinusuklian lang din daw ng mga televiewers ang ginagawa nila every Friday na makapagbigay sa kanila ng isang quality show every week.

“Siguro ganun lang ‘yun, kung ano gagawin mo o ibibigay mo para sa fans or sa tao ‘yun din ‘yung babalik sa inyo, susuklian din. It will payoff. Oh di ba! Nag-e-english speaking ako after twenty years [laughs]”

Usong-uso ngayon sa telebisyon ang klase ng pagpapatawa na nalalait na madalas makita sa mga comedy bars. Hiningi naming ang opinyon ng sexy comedienne kung siya ba ay aprub sa ganitong klase ng comedy.

Tugon niya, “Ako kasi as a person, as an artista never din ako nanlait eh. Ayoko tsaka ‘bat ko kailangan manlait di ba eh kung ako ang laitin [laughs] Ayoko nga. So, wala lang ayoko lang ng ganun, kasi baka pag ako nilait, di ko kayanin.”

LOOK: 10 awesome throwback photos of Rufa Mae Quinto

Sexy match-up: Rufa Mae Quinto vs. Giselle Sanchez

#Sugoi!: Rufa Mae Quinto and her Nippon travel diary