TV

How does 'Bubble Gang' avoid being called out by MTRCB for their slightly sexual or controversial content?

By AEDRIANNE ACAR

Game na nakipag-usap ang Kapuso comedy genius na si Michael V sa mga miyembro ng press sa grand presscon para sa 21st anniversary ng Bubble Gang na ginanap sa GMA Network compound on November 14.

Sa interview sa award-winning comedian, nagkuwento si Michael V kung gaano siya ka-hands on sa mga materyal na lumalabas sa kanilang gag show.

Paliwanag niya, “Number one most materials na ako 'yung involved, ako ‘yung cast nire-revise ko if necessary.”

Aminado rin si Michael V na may mga times pa rin na hindi siya natatawa sa mga jokes o punch lines ng kanilang mga writers.

Paano naman kaya niya ito nireresolba?

Aniya, “May mga times pa rin na ganun na minsan entirely either tinatanggal na namin or nire-revise halos ng buo. May mga times naman na lumalapit sa akin ‘yung casts hindi nila naiintindihan or they're finding ways to improve the joke palakasin pa ‘yung punch line and they approach [me].”

Nakilala ang Bubble Gang hindi lamang sa pagiging breeding ground ng magagaling na comedians ng bansa, kundi pati na rin sa content ng palabas na minsan ay sexy o kontrobersyal.

Tinanong ng GMANetwork.com ang Kapuso comedy genius kung paano ginagawang tasteful ng Bubble Gang ang content ng show na hindi lumalabag sa mga rules at regulations ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Saad ni Michael V, “Ang idol ko diyan si Joey de Leon. Si Joey kasi hindi lang delivery, it’s the set-up. Dapat kung censorable ‘yung gagawin mo, you have to make it not censorable.

“Idol ko 'yan si Joey pagdating sa ganyan, ang galing niya sa lusot. Basta mailulusot mo, gawan mo ng paraan puwede 'yan.”

Ni-reveal din ng magaling na komedyante at host kung ano ang standard niya para masabing nakakatawa ang isang joke o punchline.

“Dapat maintindihan ng lahat, dapat nage-gets ng lahat eh ng mga cameramen, ng staff, ng crew. Minsan pagka sinulat na lang ng writers at prinisent sa amin, papabasa ko dun sa utility namin titingnan ko kung matatawa siya. 'Pag na-gets niya, puwede na ‘yan.”

MORE ON 'BUBBLE GANG':

WATCH: Check out Michael V's hilarious version of 'Pen Pineapple Apple Pen'

#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
       
WATCH: #TrainToBusan spoof video, bakit nag-viral sa Facebook?