TV

WATCH: Ano ang pinaka-memorable character ng 'Bubble Gang' cast?

By BEA RODRIGUEZ

Naghahanda na para sa kanilang 21st anniversary special na 21 Gang Salute ang cast ng longest-running comedy gag show na Bubble Gang sa November 25 at December 2. 


Sa loob ng 21 na taon, tumatak ang ilang karakter na naglagay ng mga ngiti sa ating mga mukha, nagpatawa at nagbigay aral sa ating mga manonood.
 
Hinding-hindi makakalimutan ng premyadong komedyante na si Michael V ang kanyang role bilang ang talk show host na si Junee Lee, “’Yun ‘yung parang other side ko eh, ‘yun ang side ni Michael V na hindi n'yo nakikita.”
 
Ang malditang, mapagmataas na kilay na may kasamang masamang tawa ang pinakapaboritong karakter ni Kapuso star Betong Sumaya. Aniya, “Siyempre, talagang [si] Antonietta. Sobrang ibang-ibang journey ‘yun eh.”
 
LOOK: Glaiza de Castro meets Antonietta
 
May sariling bersyon rin ang Bubble Gang ng kalye-serye ng Eat Bulaga kung saan binansagang “AlBad” ang love team nina Juancho Trivino at Denise Barbacena. Si Yaya Bad ang phenomenal star ng show, “Spoof namin ‘yung AlDub [at] ‘yun ang isa sa na-feel ko na parang may responsibility ako na kailangan i-pull off dito.”
 
Abangan ang nalalapit na anniversary special, mga Kapuso!


READ: ‘Bubble Gang’ celebrates 20th anniversary with a documentary special