TV

WATCH: 'Bubble Gang' bibigyan tribute ang comedy legends tulad nina Dolphy at TVJ

By AEDRIANNE ACAR

 

Ilang oras na lang mga Kababol at mapapanood nyo na ang 21st anniversary offering ng award-winning gag show na Bubble Gang mamayang gabi. 

Sa two-part TV special na mapapanood ngayong November 25 at sa darating na December 2, ay bibigyan nila ng tribute ang 21 comedy legends ng Philippine showbiz tulad na lang nila Dolphy at sina Tito, Vic at Joey. 

Sa panayam ng 24Oras kay Kapuso comedy genius na si Michael V, nagbanggit pa siya ng ilang pangalan ng mga magagaling na comedians na bibigyan nila ng pagkilala sa show. 

“We go way back dito sa episode na ito sa anniversary namin. Ang tribute na ibibigay namin talagang the best-of-the-best, siyempre asahan niyo na sina Dolphy at si Panchito, si Chiquito nandi-diyan, Bert Tawa Marcelo and a whole lot more [pati] TVJ.”

Sinabi din ng Bubble Gang mainstay na si Betong Sumaya na sa pamamagitan ng show ay sana maalala muli ng mga Pinoy ang mga comedy gems nang nagdaang panahon. 

“Sa mga bibigyan namin ng 21 Gang Salute na mga artista, kami ‘yung gaganap dun sa kanila para maalala sila uli.”

Puro pasasalamat naman ang nasambit ni Jackie Rice, dahil napasama siya sa 21st anniversary ng Bubble Gang at nabigyan daw siya ng pagkakataon na maipakita ang ibang side ng kanyang personality. 

Ani Jackie, “Never ko na na-imagine na magiging part ako nito at masayang-masaya ako. Sobrang proud ako, sobrang blessed ako, sobrang malaki ang pasasalamat ko kila Kuya Bitoy at sa GMA. Sa lahat ng ka-trabaho ko [dahil] binigyan nila ako ng chance na ipakita ‘yung other side ko bilang Jackie Rice.”

Video from GMA News

More on BUBBLE GANG:  

WATCH: Which PPAP version is better, Michael V or Jacky Woo's?  

WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'