TV

EXCLUSIVE: 'Bubble Gang' stars nag-react sa pag-alis ni RJ Padilla

By AEDRIANNE ACAR

Ikinagulat ng maraming Kababol ang balitang pag-alis ng isa sa mga cast nito na si RJ Padilla.

Juancho Trivino posts emotional message for RJ Padilla who left for Australia

Ayon sa post ng matalik na kaibigan ni RJ na si Juancho Trivino sa Instagram last week ay lumipad patungong Australia ang aktor kasama ang pamilya nito para doon manirahan.

 

Exclusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang mga kasamahan ni RJ sa Bubble Gang na sina Roadfill Sparks at Denise Barbacena at pareho silang nalulungkot sa desisyon ng magaling na comedian.

Ayon kay Roadfill Sparks na kasama rin ni RJ Padilla sa boy group na P.A.R.D  na nanghihinayang siya sa kaibigan, dahil maganda ang future nito sa larangan ng comedy.

Ayon kay Roadfill, “Yung initial talagang [reaction], nalungkot ako dun sa nangyari, kasi sobrang may future siya sa larangan ng comedy, magaling talaga siya kahit behind the camera kuwelang tao siya.”

“Nalungkot talaga ako, pero nagpaliwanag naman siya sa akin kasi siyempre family, ‘yun ‘yung priority niya. Pero umaasa naman ako na someday na bumalik siya sa amin, makapagbigay saya uli,” dagdag nito.

Pero asahan pa rin daw ng mga fans ng P.A.R.D na magpapatuloy pa rin sila at may ilalabas silang bagong kanta.

“Sakto nga may ginagawa kaming new song, tapos siyempre kasali siya sa unang plano, pero dahil nga aalis siya aadjust na lang kami.”

“Maglalabas kami ng bagong kanta talaga something big and something na makakarelate ang lahat,”

Kuwento naman ni Denise Barbacena na last year pa daw may plans si RJ na umalis ng bansa, pero hindi raw niya inexpect na mapapaaga ang alis nito dahil kasama ang aktor sa Destined To Be Yours. 

Saad niya, “Late last year pa niya nababanggit na may plans. Kung tama ‘yung pagkakaalala ko wala pa ‘yung soap ‘yung Destined To Be Yours.

“Ako, personally akala ko nung nagka-soap siya, nagka-work siya, madi-delay o postponed. So ‘yun parang sabi ko ay talaga kahit may soap aalis pa din.”

Bago raw umalis ito ay binigyan ng simpleng send-off party ng Bubble Gang cast si RJ at hindi daw nito mapigilan maging emosyonal.

“Pero ‘yung last taping niya with us sinurprise siya ng cast ng cake ganiyan. Teary-eyed siya pinipigil lang niya umiyak. Ayun it’s a tough decision eh pero for the family.”

More on BUBBLE GANG: 

16 things you didn't know about Michael V    

#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss                                     

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'

Photos by: @akosirjpadilla(IG)