TV

READ: Michael V, may say ba kung sino ang mapapasama sa 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar

Malaki ang pagkakaiba ng motivation ng buong Bubble Gang show ngayong, kumpara noong nagsisimula pa lamang sila sa telebisyon.

Nang matanong kasi ang veteran star at creative director ng gag show na si Michael V sa presscon ng 22nd anniversary nila nitong Lunes, November 13, tungkol sa pagtagal nila sa telebisyon ng maraming taon at kung may downside ba ito para sa show, ito ang kanyang naging tugon.

“Palagay ko wala eh. Siguro ‘yung mga umpisa early years ang downside for me... kasi ang drive namin nun eh mag-rate, hindi mag-enjoy. Mula noon naging drive naming ay ang mag-enjoy, nag-enjoy na kami [laughs]. Sumunod na ‘yung ratings.”

Inusisa din siya kung paano nagde-desisyon ang program kung sinong mga artista ang makakapasok sa Bubble Gang. May say ba din si Bitoy kung sino ang tatanggapin at ire-reject?

Paliwanag niya, “Hindi yata basta-basta makakapasok kung hindi swak sa Bubble Gang. So sa ngayon as you can see swak ang lahat kaya talaga walang naging problema.”

Dagdag nito, “May say din ako pero madalas nagsu-suggest lang ako.”

Huwag palagpasin ang bonggang pagtatahangal ng longest-running gag show na Bubble Gang para sa kanilang 22nd anniversary.