TV

WATCH: Anniversary special ng 'Bubble Gang,' mapapanood na ngayong gabi!

By Bea Rodriguez

Mapapanood na ngayong gabi ang malupit na anniversary special episode ng longest-running comedy gag show na may pamagat na Bubble Gang: Parokya Bente Dos.

Talagang pinag-isipan ng cast at crew, lalong lalo na ni Kapuso comedian Michael V ang magiging tema ng kanilang show mamayang gabi.

"'Yung number of years ng Parokya [ni Edgar], medyo kasing edad ng Bubble [Gang] eh tapos ‘yung pagsasamahan nila, parang kasing saya ng Bubble [Gang] so may parallelism doon sa banda at saka dito sa show. Naisip namin, baka magandang mag-merge,” pahayag ni Bitoy sa report ni Lhar Santiago sa Unang Hirit.

Kabado naman ang Kababol na sina Jak Roberto at Paolo Contis sa magiging show nila na ala pang-Teatro.

“Tutok kami sa pagre-rehearse. Sunod-sunod ang mga sequences namin [kaya] inaalam namin,” kwento ng Pambansang Abs ng Bayan.

Hindi sanay si Paolo sa isang stage performance, “I don’t know how to be confident [because] I have stage fright. I act sa TV, but kinakabahan ako sa stage. ‘Di ko pa alam paano siya i-o-overcome pero hopefully with the help of the whole team.”

Bahagi naman ni Pandesal Girl Valeen Montenegro, “Wala kaming prompters tapos isang buong show namin siyang gagawin with live audience.”