TV

LOOK: Sef Cadayona, excited na sa reunion nila ni Yna Moran sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar


Magbabalik na ang unbeatable tandem nina Michael V at Sef Cadayona sa patok na Bubble Gang sketch na 'Ikaw at Ang Ina.'

Muling bibigyang buhay ng dalawa ang mag-ina na sina Yna at Selphie na magpapatawa sa inyo tuwing Friday night sa longest-running gag show ng bansa.

READ: Ang mga commandments ni Yna

Sa Instagram post ni Sef, hindi nito naitago ang excitement na muling makaeksena si Yna Moran.


Yayain ang buong barangay at tutukan sina Yna at Selphie sa award-winning gag show na Bubble Gang this August 24, pagkatapos ng GMA Telebabad!