TV

READ: Michael V, proud na maraming sumikat dahil sa 'Bubble Gang' academy

By Aedrianne Acar

Breeding ground ng mga A-list celebrities ang longest-running comedy show ng bansa na Bubble Gang.

Ilan lamang sa malalaking pangalan na nakilala, dahil sa award-winning gag show ang mga celebrities tulad nila Ogie Alcasid, Toni Gonzaga, Rufa Mae Quinto at Assunta de Rossi.

How do the cast members of 'Bubble Gang' handle internal conflicts?

Isa din sa mga aktor na umusbong ang career sa tulong ng Bubble Gang ang Kapuso hottie na si Jak Roberto.

Sa panayam ng entertainment press kay Jak sa grand mediacon ng Bubble Gang last November 12, malaki ang pasasalamat niya sa show nang bigyan siya ng break sa patok na comedy sketch na 'Pool Señorita.'

Wika ni Jak, “Lagi kong sinasabi 'yung sketch ko dito para maging regular ako dito 'yung Daks the lifeguard, 'yung ginawa naming spoof 'yung Poor Señorita, ginawa naming Pool Señorita dito tapos lifeguard ako na laging naka-topless. So, 'yun ang nagbigay ng way sa akin na sundan pa ng sundan… Isang sketch lang siya tapos nung nagkaroon ng magagandang comments at saka nag-request pa ng another episodes, so nasundan ng nasundan. Tapos hanggang sa naging regular na ako sa Bubble Gang. Sobrang nagpapasalamat ako na kinast nila ako sa sketch na 'yun.”

Proud naman ang Kapuso comedy genius at Bubble Gang pioneer na si Michael V na 'tila naging training ground ng ilan sa mga pinakasikat na celebrities ngayon ang Kapuso gag show.

Saad ni Bitoy, “It's a good feeling na talagang ginagawang parang academy ito [Bubble Gang], nawawala 'yung inhibitions ng mga artista, so hindi lang sa pagda-drama, hindi lang sa drama ang advantage nito. Sa lahat ng genre puwede.”