TV

EXCLUSIVE: Bakit off limits ang schedule ni Kim Domingo tuwing Monday para sa show na ito?

By Aedrianne Acar

Hindi raw naging mahirap para sa Asia's Fantasy na si Kim Domingo ang mag-adjust nang sumabak siya sa longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang.

EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Kim Domingo matapos mabigyan ng sariling segment sa 'Bubble Gang?'

Kahit minsan kailangan daw siya maging katatawanan o 'di kaya maging loud ang mga movements sa tuwing sasabak ng taping para sa Kapuso gag show, madali raw ito para kay Kim dahil likas na sa kaniya ang pagiging isang komedyante.

Paliwanag ni Kim sa exclusive chat niya sa GMANetwork.com sinabi niya, “Actually nung una medyo 'yun nga medyo naiilang nga ako, kinakabahan. Pero kasi sa totoong buhay kasi masayahing tao talaga ako.”

“'Tsaka komedyante ako sa mga kaibigan ko talagang ako 'yung komedyante. Natural na rin siguro sa akin 'yung pagiging [masayahin].”

Naniniwala rin ang Bubble Gang babe na mahirap ang pagpapatawa sa harap ng telebisyon, kaya dapat pinag-aaralan ang bawat aspeto nito.

Wika ni Kim, “Pero siyempre lahat naman ng bagay natutunan natin, inaaral din 'yan kung paano ang tamang pag-atake. Kasi ang comedy sabi nga nila mas mahirap daw gawin kaysa drama.

“Mahirap talaga magpatawa, akala ng iba madali, pero mahirap talaga.”

Sunod-sunod ang mga naging projects ni Kim mula noong naging official cast member na siya ng Bubble Gang.


Kaya aminado ang Kapuso actress na nanatiling priority niya ang gag show kahit busy ang schedule niya sa iba't ibang showbiz commitments.

Saad ni Kim, “Actually ang Bubble [Gang] talaga is priority ko talaga 'to. Kahit na mayroon akong soap, lagi kong sinasabi na hindi puwede kunin ang Monday ko kasi for Bubble Gang. Lagi kong nilalaan 'yun kahit nagkakaroon ako ng soap.

“Ang laki kasi ng utang [na loob] ko sa show na 'to. Dito ako nag-start.”

Mas gawing relaxing ang simula ng weekend n'yo mga Kapuso sa pagtutok sa bonggang 23rd anniversary presentation ng Bubble Gang this November 23 pagkatapos ng GMA Telebabad.