TV

EXCLUSIVE: Betong Sumaya, may revelations sa anniversary episode ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ang Kapuso comedian/TV host na si Betong Sumaya dahil hindi nauubusan ng jokes at gags ang creative team ng Bubble Gang.

#ProudKababol: Celebs na minsang hinubog ng 'Bubble Gang' sa pagpapatawa

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa former Survivor Philippines grand winner, sinabi nitong nakakatuwa na makitang may bagong hinahandog ang gag show every Friday night para sa manonood.

Paliwanag ni Betong, “Talagang pag sinabing longest-running gag show, ito na talaga 'yun. Wala ng iba, sobrang nakaka-amaze na maging part ng Bubble Gang na grabe as in sa bawat taping hindi nauubusan ng bago.”

“Alam mo 'yun palaging may i-intoduce na talagang mae-enjoy ng mga Kapuso nating manonood.”

Umamin din si Betong na very involved din siya sa pag-develop ng karakter niya sa Bubble Gang na si Antonietta, kung saan siya mas lalong nakilala.

Dagdag niya, binibigyan siya ng laya ng show kung paano aatakihin ang mga eksena niya bilang teleserye evil queen.

“In terms of kung paano mo ide-develop 'yung character mo, kunwari sa Antonietta, siyempre, iisipin mo kung paano 'yung tawa, 'yung paano mo sasabihin 'yung mga lines mo, pero siyempre kailangan i-approve nila [creative team].”

“Pero ang nakakatuwa kasi binibigyan ka rin ng freedom na gawin ito, gawin yan. 'Yun siguro 'yung nakakatulong ka in a way dun sa paggawa ng mga sketches at mga gags.”


May ilang revelations din ang Bubble Gang mainstay sa mga dapat abangan sa anniversary presentation nila this Friday, November 23 na isang telemovie.

Anu-ano kaya ang mga ito?

Sagot ni Betong, “I think pasabog 'to, kasi may sasabog to literal [laughs]. Pati ang nakakatuwa dito 'yung mga characters na minahal nila sa loob ng ilang taon, e, makikita nila uli.

“Ang maganda dito 'yung character ni Kuya Bitoy, na si Bea Bangenge, sa kaniya iikot 'yung istorya pati kay Toto Batoto.

“Kaya maraming dapat abangan, magkawil-kawil 'yung mga characters sa Bubble Gang sa buhay ni Bea Bangenge pati ni Toto Batoto.”