TV

'Bubble Gang' stars, todo promote sa anniversary special tonight

By Aedrianne Acar

Ilang oras na lang at matutunghayan n'yo na ang bonggang anniversary special ng number one at multi-awarded gag show ng bansa, ang Bubble Gang.

READ: Andrea Torres, wala sa anniversary special ng 'Bubble Gang?'

Masasaksihan ninyo ang kakaibang adventure nina Bea Bangege at Toto Batoto kung saan makikilala nila ang mga iba't ibang Bubble Gang characters tulad nina Antonietta, Don Cantoni, Mr. Assimo, Tata Lino at ang mga Balitang Ina hosts.

Sa Instagram post ng dancer/actress na si Arny Ross, sinabi nito na 'forever thankful' siya na naging parte ng Kapuso gag show.

“Will forever be thankful that I'm part of this show Don't miss tonight's special episode for our 23rd Anniversary #BgBenteTresOras"


Sunod-sunod ang post online nina Boy 2 Quizon, Jak Roberto, Arra San Agustin at Betong Sumaya para i-promote ang engradeng anniversary presentation ng Bubble Gang.