TV

#LoyalKapuso: Bakit hindi lilipat ang 'Bubble Gang' star na si RJ Padilla sa Kapamilya network?

By Aedrianne Acar

“Loyal to!”

RJ Padilla

Ito ang naging tugon ng former Bubble Gang star na si RJ Padilla nang kinumbinsi siyang lumipat sa rival network ng isang netizen sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa niya, “Kapuso all the way [heart emoji].”


Nasa bakuran ng Kapamilya station ang half-brother ni RJ na si Daniel Padilla.

Isang netizen naman ang nagsabi na kaya 'ayaw' lumipat ni RJ Padilla sa Kapamilya network, dahil ayaw niya makasama si Daniel.

Pinabulaan naman ito ng former Kapuso star at sinabing, “Hindi naman po sa ayaw kong makasama ang kapatid ko sa isang station.

“Nagkataon lang po at na sama ako sa Bubble Gang. At dun po talaga ako bagay.”


Lumipad patungong Australia si RJ Padilla kasama ang pamilya taong 2017 para doon manirahan.

EXCLUSIVE: 'Bubble Gang' stars nag-react sa pag-alis ni RJ Padilla