TV

LOOK: Michael V., mag-a-ala Thanos sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Ngayon pa lamang, may pasilip na ang award-winning comedian na si Michael V. sa mga sorpresa nila sa Bubble Gang para sa kanilang upcoming 24th anniversary.

LOOK: 'Spider-Man' star Jacob Batalon, bibida sa 24th anniversary episode ng 'Bubble Gang'

Sa Instagram post ni Direk Bitoy, ipinakilala niya ang bago niyang karakter na inspired ng Marvel character na si Thanos.

Saad niya, “Malapit n'yo nang makilala si ALLAN PETER KUYA THANOS!”

Abangan ang mangyayari sa big anniversary presentation ng longest-running Kapuso gag show soon on GMA-7!