TV

EXCLUSIVE: Jak Roberto, may payo sa mga baguhang papasok sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Hindi makapaniwala ang hunk actor na si Jak Roberto na umabot na siya ng tatlong taon sa longest-running at multi-awarded gag show na Bubble Gang.

Jak Roberto

Nagsilbi din ang Kapuso gag show para higit na mapansin si Jak kaya ganun kalaki ang utang na loob nito sa programa.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jak Roberto sa taping ng Bubble Gang, tinanong namin kung anong maipapayo niya sa mga susunod na artistang mabibigyan ng pagkakataong mapasama bilang isang Kababol.

Binigyan-diin ng promising actor na importante sa kanilang grupo ang 'pakikisama.'

Wika niya, “Dito kasi, [mahalaga ang] pakisamahan, e.

“Mahalaga 'yun kasi parang kaming magkakapatid dito.

“[Bawal sensitive dito] kasi number one gag show, may mga on and off cam kami na jokes para mas lalong maging tight 'yung samahan namin para hindi na mailing.

“Ganito na talaga kami (laughs). 'Tapos sa ganun rin kasi mas lalo mong nakikilala 'yung tao pakisamahan lang talaga tsaka respect sa katrabaho, pagiging punctual, at professional.”

EXCLUSIVE: Why Archie Alemania thinks that the comedy style in 'Bubble Gang' is of the "highest quality"

May ilang detalye din na ibinahagi si Jak sa magiging 24th anniversary presentation ng Kapuso gag show, kung saan gagawa sila ng isang parody ng isang sikat na superhero movie.

Ani Jak, “Ang theme nila ngayon parang Avengers. Pero siyempre, dahil Bubble Gang ito, ito ay 'yung parang parody ng Avengers.

“Nakakatuwa kasi kahit parody ito ginawan talaga ng magagandang effects, costume di ba talagang ineffortan.

“'Yung istorya din nadeliver ng mga aktor na talagang nakakatawa. So 'yun 'yung masaya ngayon anniversary kumbaga talagang effort ng lahat.

Dapat din daw abangan ang mga fight scenes nila na mabusisi nilang ginagawa.

“Nagulat nga ako nagfi-fight scenes pala sila Kuya Bitoy (Michael V.). Matagal namin shino-shoot kasi may mga chroma!”

Don't miss the grand 24th anniversary episode of Bubble Gang coming soon on GMA-7!