TV

EXCLUSIVE: 'Bubble Gang,' paano nakatulong sa pagiging tensionado ni Max Collins?

By Aedrianne Acar

Paulit-ulit nang sinasabi ng Kapuso drama actress na si Max Collins na malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang pagiging bahagi niya sa multi-awarded gag show na Bubble Gang.

Max Collins

Matatandaan na kabilang noon si Max sa sexy dance group ng comedy show, ang Bubble Shaker, kung saan nakasama niya rito sina Sam Pinto, Andrea Torres, at Arny Ross.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Max, nabanggit niya ng Kapuso actress na malaki ang pasasalamat niya sa Bubble Gang dahil inalis nito ang pagiging mahiyain at tensionado niya.

Paliwanag ng aktres, “Hindi puwede mahiya doon, 'tapos kung nahihiya ka, mukha kang stupid!

“It was so different from anything that I have ever done, so sa Bubble Gang and Juan Tamad din.

“'Yun pala pinakamahirap kahit sabihin mong light siya, magaan siya but I'm such a tense person.

“So I'm happy that I got the experience to be in comedy shows kasi doon medyo nawala 'yung tension ko bilang artista.

“Parang, 'Ah kaya ko magmukhang tanga,' and its gonna be okay.”

Hanggang ngayon, sobra pa rin ang paghanga ni Max Collins sa comedians na nakatrabaho niya noon, katulad nina Michael V. at Paolo Contis, dahil sa talino at pagiging witty nila sa mga punchline.

“Iba 'yung admiration [ko sa kanila], 'yung mga sa comedians, because they are so smart, so witty, so fast sa thinking and iba talaga 'yung flow. Kailangan makipag-flow ka sa kapwa mo artista.”

Sumama sa superhero adventure ng Bubble Gang barkada ngayon November 15 at 22, dahil mapapanood niyo na ang telemovie special na “The ScAvengers,” na handog sa inyo ng longest-running gag show for their 24th anniversary celebration.

The ScAvengers: 'Bubble Gang' celebrates 24th anniversary with two-part superhero telemovie special

Diego Llorico at Mykha Flores, naging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging bahagi ng 'Bubble Gang'

Michael V. enumerates preferred qualities of aspiring talents of 'Bubble Gang'