TV

Betong Sumaya, umaming na-stress nang ibinigay ang role na Antonietta sa kanya

By Aedrianne Acar

Umamin si Betong Sumaya na challenging ang role niya sa Bubble Gang na Antonietta nang una itong ibinigay sa kanya.

Betong Sumaya

Ito ang sinabi ng Kapuso comedian sa ginanap na blogcon para sa kanyang birthday concert sa Tiyo Craft Kitchen & Bar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City ngayong Martes ng hapon, November 12.

WATCH: Betong Sumaya gears up for birthday concert this November

Wika ni Betong, hindi biro na buoin ang character bilang Antonietta sa loob ng ilang oras.

“Bilang background, kasi 'di ba every Monday ang taping namin sa Bubble Gang. Ibinigay sa akin 'yung role ng Antonietta nung umaga, tapos isu-shoot namin siya ng mga alas kuwatro ng hapon na wala pa akong idea kung paano siya [ipo-portray].

“So nung ibinigay sa akin 'yung Antonietta, ang haba nung mga linya ni Antonietta. Ang hirap i-memorize.”

Nakakakaba din daw na makaeksena ang mga pinakamagagaling na kontrabida sa showbiz bilang si Antonietta.

Ani Betong, “So kontrabida siya ng mga kontrabida siya sa telenovela, tapos makakasama mo pa 'yung mga kontrabida.

"Parang feeling ko, kunwari Friday malalaman ko na si Ms. Cherie Gil, si Ms. Gloria Romero, si Gladys Reyes, Glydel Mercado, si Jean Garcia, Celia Rodriguez, Roi Vinzon, Bembol Roco, ang bibigat ng mga artista.

“Hindi lahat nabibigyan ng chance na makatrabaho sila. 'Yun pa lang stress na sa akin.”

Paano kaya niya hinandle ang stress sa pagganap sa role na ito?

“Importante pray palagi. Palagi akong nagpi-pray na 'Lord. sana huwag po ako uuwing luhaan at duguan po pagakatapos nito,'” biro ng comedian.

“Siguro kailangan din kasi talaga na 'yung preparation doon sa role. Very important 'yung preparation, and at the same time, memorization.

"Kasama na doon 'yung paano mo igo-grupo lahat ng mga thoughts dun sa linya mo para hindi mo makalimutan.”

Birthday concert

Excited na rin si Betong para sa nalalapit niyang first ever concert na Betong's Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? presented by GMA Artist Center and Michael Angelo Productions, na magaganap sa November 21 sa Music Museum.

Ilan sa bigating guests niya dito ay sina Dingdong Dantes, Michael V., Alden Richards, Aicelle Santos, Maey Bautista, Miguel Tanfelix, at marami pang iba.

Betong Sumaya, napatunayan ang kabaitan ni Alden Richards

Ayon kay Betong, hangad niya na makapagbigay ngiti sa lahat ng concertgoers sa araw na 'yun.

“Basta ang ma-assure namin ay talagang pagkatapos ng concert, meron silang ngiti. Kung hindi naman ngiti, talagang hahagalpak sa katatawanan 'yung show na 'yun.

“Kahit papano, kung may problema sila, baka makatulong tayo maibsan 'yun kahit paano 'pag nanood sila.”

Bukod sa birthday concert ni Betong, mapapanood din siya sa two-part anniversary presentation ng award-winning gag show na Bubble Gang na 'The ScAvengers' this November 15 and 22 pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

Betong Sumaya renews contract with GMA, looks back at humble beginnings

'Bubble Gang' ladies, may mga pagkakataon bang nagiging 'uncomfortable' sa mga ginagawang eksena sa gag show?

Chariz Solomon, inilahad ang pakiramdam sa tuwing nabibigong manalo ng award