TV

Faye Lorenzo, hindi nakararamdam ng 'pambabastos' sa comedy sketches ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Six months na ang nakalilipas mula nang makasama sa Bubble Gang si Faye Lorenzo.

Pero laking gulat ng newest Kapuso hottie na viral na ang mga video niya sa award-winning Kapuso gag show.

Sa katunayan may mahigit sa 3.4 million views na ang 'Shoplifter' sketch ni Faye sa Bubble Gang.

Kaya naman ganun ang saya ng Kapuso actress nang makapanayam ng GMANetwork.con ngayong Lunes ng hapon, March 9, sa taping ng Bubble Gang.

Ani Faye Lorenzo, “Noong una hindi ako makapaniwala sinasabi nga nila nag-viral daw ganyan, tapos may nagta-tag sa akin.

“Siyempre, sobrang saya tsaka hindi ako makapaniwala, 'Wow, magvi-viral na ako kaagad!'

“Siyempre, nagpapasalamat ako sa kanila, sa mga sumuporta, sa mga natuwa.”

Pagiging shoplifter ni Faye Lorenzo sa 'Bubble Gang,' may mahigit 2.8 million views na!

Pabor din para kay Faye ang pagpapatawa dahil likas sa kanya ang pagiging komedyante.

“Natural na kasi sa akin, 'yung pagiging komedyante parang 'yun na talaga 'yun.

“Masayahin tao ako, ganyan, hindi na iba pagdating sa comedy, natural na lumalabas kasi nga 'yun din 'yung personality ko.” paliwanag ng Kapuso actress, na dating parte ng afternoon soap na Madrasta.

Kamusta naman ang experience na makatrabaho ang award-winning comedian tulad ni Michael V.?

Wika niya, “Sobrang bait! Grabe! Hindi nga ako makapaniwala nakakatrabaho ko na siya, nakakabiruan ko siya.

“Sobrang bait ni Kuya Bitoy!”

Inusisa din ng GMANetwork.com kung nakaramdam ba ng pagkailang si Faye Lorenzo sa tuwing gagawa ng sexy sketch sa Bubble Gang.

Pabirong sabi niya, “Wala! Minsan nga nag-iisip pa nga ako 'pag di sexy [laughs]”

Binigyan-diin ng Kapuso sexy comedienne na kumporatable siya sa mga pinagawa sa kanya, dahil puro professional ang co-stars niya sa gag show.

“Wala eh! Mababait kasi sila, hindi mo rin nararamdaman na mababastos ka, kasi lahat sila professional sila mag-work.

“Tsaka kaya ko naman 'yung binibigay nila na work.”