TV

'Shoplifter' sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania, may 11 million views na sa YT!

By Aedrianne Acar

Wala pang dalawang buwan mula nang ipinalabas at na-upload sa Youtube, humakot ng milyun-milyon views sa video-sharing site ang funny sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania sa Bubble Gang.


Patuloy na pinapanood ng mga Kababol ang 'Shoplifter' sketch kung saan patok sa netizens ang modus ng karakter ni Faye na nag-shoplift sa isang store.

May mahigit sa 11 million views na ang naturang video na ito.

Muling panoorin ang trending sketch ng Bubble Gang na unang ipinalabas noong February 7, 2020.



Kung bagot na kayo tumambay sa mga bahay n'yo mga Kapuso, tumutok sa award-winning gag show na Bubble Gang this coming March 27 pagkatapos ng 'My Husbands Lover' rerun sa GMA Telebabad.

Related stories:

Faye Lorenzo's naughty 'Bubble Gang' sketch halos 10 million views na!

Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo