What's on TV

WATCH: Kailan babalik sa taping ang 'Bubble Gang'?

By Aedrianne Acar
Published April 24, 2020 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Arny Ross


Nagbigay ng update si Arny Ross, isa sa mga cast ng comedy gag show na 'Bubble Gang,' tungkol sa schedule ng taping nito.

'Tila matatagalan ang pagbabalik ng taping schedule ng Kapuso gag show na Bubble Gang habang hindi pa sigurado ang safety ng lahat sa COVID-19 pandemic.

EXCLUSIVE: Arny Ross anxious for her sister, a frontliner in Lucena City

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Arny Ross, ikinuwento nito na pinaintindi sa kanila ng creative director nila na si Michael V. na prayoridad ng show at management ang kaligtasan nang lahat kaya wala muna silang taping tuwing Monday.

Wika ni Arny, "Si Kuya Bitoy, lagi niya kami na pinapaalalahanan 'pag kasi pinilit natin ituloy 'yung taping natin every Monday mas magiging delikado pa.

"So nandun siya sa tiisin na natin ito para safe tayo kesa matanggal 'yung lockdown, pero hindi pa naman tapos 'yung virus, 'tapos mag-taping na tayo so hindi din tayo magiging komportable sa taping."

Dagdag ng Kapuso actress, "Intayin na lang natin talaga na mag-decide na safe na talaga doon lang matutuloy 'yung taping. Pero siyempre nahirapan din kami dahil nasanay na kami everyday Monday talaga e."

Pare-pareho naman daw sila ng realization ng kapwa niya Kababol na "very productive" sila ngayon may enhanced community quarantine.

"Pero nakakatuwa kasi pare-parehas kami ng realizations na ang dami naming nagawang productive ngayong lockdown."


Which 'Bubble Gang' video is most viewed on YouTube?

Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo

Masahe ng mga Kababol, umani na ng 1M views sa YouTube!