TV

Tsup Tsup to Win!

By Aedrianne Acar

Walang patid ang good vibes at funny moments na handog ng award-winning Kapuso gag show na Bubble Gang sa kanilang all-new episode!

Tiyak huli na naman ang kiliti ninyo sa mga hirit at punchline ng seasoned comedian na si Michael V. ngayong Biyernes ng gabi.

Bukod diyan, makaka-relate din kayo sa sketches at gags ng Bubble Gang na inspired ng mga day-to-day experience sa gitna ng pandemya.

Sit back and relax this Friday night at maki-join sa unli-tawanan sa fresh episode ng Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad this coming September 25!

Paano na ang mga kriminal sa panahong may COVID-19?

Ano ang solusyon sa hindi maintindihang instruction ng masungit ninyong boss?