TV

Bubble Gang: Archie Alemania, sasabak sa Ka-Bubble Challenge!

By Aedrianne Acar

Matapos kumasa Ka-Bubble Challenge sina Paolo Contis at Denise Barbacena, sasabak naman sa hamon ang versatile actor na si Archie Alemania.

Anu-ano kayang mga karakter ang gagampanan ni Archie sa mga hinandang comedy sketches ng award-winning gag show ngayong Biyernes ng gabi?

Kahit balik enhanced community quarantine, gagawin naming mas fun ang pagtambay sa bahay, dahil mapapanood n'yo si Michael V. at ang buong gang sa darating na August 6 sa Bubble Gang!

Tumawa all night long sa panalong episode ng multi-awarded gag show pagkatapos ng GMA Telebabad.

Kita-kits, mga Kababol!