TV

Bubble Gang: Lovely Abella, tinanggap ang hamon bilang Ka-Bubble challenger!

By Aedrianne Acar

Ikaw ang bida!

Game na kumasa sa #Ka-BubbleChallenge ang comedienne, actress, at entrepreneur na si Lovely Abella this week.

Ano-anong karakter kaya ang gagampanan ni Lovely na susubok sa galing niya sa pag-arte lalo na pagpapatawa?

Kaya kahit wala kayong gala this Friday night dahil sa new normal, papatawanin naman kayo ng Kababol barkada para maalis ang boredom n'yo habang chill lang sa bahay.

Heto ang unang silip sa mga tutukan na gags at sketches sa Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad sa oras na 10:20 p.m.