TV

ABANGAN: Anu-ano ang mga dapat tutukan sa 25th anniversary special ng 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar

Punong-puno ng puso, ito ang dapat abangan ng mga loyal Kababol sa upcoming 25th anniversary special ng multi-awarded at longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang this coming Friday night (November 26).

Nagsimulang umere ito sa telebisyon noong 1995 at walang patid na itong naghahatid ng good vibes sa ating lahat. Ito ay nagsilbi ring training ground ng ilan sa mga kilalang personalidad pagdating sa comedy.

Sa idinaos na grand media conference with the entertainment press noong nakaraang Biyernes (November 19), naikuwento ng Bubble Gang Senior Program Manager Cecille R. De Guzman sa panayam niya kay Gorgy Rula kung anu-ano ang mga aasahan ng mga Kapuso sa kanilang anniversary presentation.

Paliwanag ni Ms. Cecille, “Mas simply ito sa scope at konsepto. Previously, Nakagawa pa kami ng spoof ng Avenger. May graphics, multiple taping days ganyan. This time, because of our limitations nga as you said, marami kaming limitasyon because we want to follow protocols, plus 'yun nga hindi kami makapagimbita.”

Dagdag niya, “Marami kami plinano, we've been planning for our 25th anniversary since 2019. Tapos naiba nang naiba as we adjust to our situation now.”

Ayon din sa Kapuso lady executive na magsisilbing pasasalamat ang kanilang anniversary episode para sa kanilang supporters na hindi natinag sa mahigit na dalawang dekada.

Wika niya, “But we thought this year, hindi puwedeng hindi i-celebrate ang 25th anniversary. So, we thought of a concept na: ano nga ba 'yung punto ng 25 years, bukod sa pag-celebrate ng lahat ng mga katatawanan na naihandog ng programa for the past 25 years, it's all about being together, 'yung mga sumuporta sa programa for the past 25 years we want to celebrate that.”

“To give back to them, we want to say- importante kayo at inspirasyon kayo sa programa,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ng Bubble Gang pioneer na si Michael V. na siya ring creative director ng show na sinubukan nilang imbitahin ang mga former Kababol na nasa kabilang istasyon, tulad ni Ogie Alcasid, ngunit nagbago ang lahat ng tumaas ang kaso ng COVID-19, dahil sa Delta variant.

Kuwento ni direk Bitoy, “There was an attempt. Hindi mo maisasantabi na talagang sinubukan naman naming - we did our best, pero along the way eto nagkaroon na naman ng bagong variant. Nagkaroon na naman ng dahilan para hindi magawa 'yung mga nae-envision namin.”

Dugtong ng magaling na comedian, “So at this point we just had to do it, what we have right now. We have to make most of the situation and this is the best we can come up with. Celebrating not just the anniversary, but the people who brought us along the way.”

Walang aabsent, dahil Ka-Babol mula noon 'Gang ngayon kayo lahat!

Panoorin ang 25th anniversary special ng flagship-comedy show ng GMA-7 ngayong Biyernes ng gabi, November 26.

Meet some of the A-list graduates of Bubble Gang in the galleries below.