TV

Michael V., balik-taping na sa studio ng GMA for 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Looking forward na ang Bubble Gang creative director and pioneer na si Michael V. na muling tumapak sa GMA-7 studio, ilang taon mula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Sa idinaos na online media conference noong May 13 para sa relaunch ng Bubble Gang, ibinalita mismo ni Direk Bitoy na magbabalik studio taping na siya sa darating na Lunes.

Excited na rin siyang makatrabaho nang personal ang bago nilang direktor na si Frasco Mortiz.

Nitong mga nagdaang taon, work-from-home ang setup ni Bitoy para magawa ang mga segments niya sa award-winning gag show.

Kuwento ni Bitoy sa entertainment press, “Hindi pa kami nagkakatrabaho ni Direk Frasco sa studio to be honest with you. Pero most probably itong Monday (May 16), first-time namin magkakasama sa studio.

“Wala naman ako naging problema dun sa materials na binabato sa akin, doon sa mga ginagawa kong work from home materials.

“Basic naman, hindi naman ganun kahirap 'yung ginagawa namin like phone calls, video calls ganun, mga interaction lang.”

Pero ayon na rin sa multi-awarded comedian, panahon na rin para magbalik siya sa studio upang mas mapabuti ang ginagawa nilang sketches at gags sa show.

Aniya, “Pero, this time around parang mas maganda nga kung actual magkita-kita na tayo [at] magawa na natin what we do best and that is sketches, gags, and spoofs at kung anu-ano pa.”

Binigyan-diin pa rin ni Michael V. na doble pa rin ang gagawin niyang pag-iingat sa tuwing may taping, lalo na at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Matatandaan na isa siya sa mga artista na tinamaan ng nakakahawang coronavirus disease noong 2020.

Sabi ng Kapuso star, “Siyempre hindi ako titigil [sa] pagiging maingat, 'yung pagiging cautious ganun pa rin siyempre. Although, mas malakas na ang loob ko ngayon, dahil siguro dahil vaccinated na ako, dahil may booster na.

“Tsaka nakikita ko na 'yung turnout nung mga pumapasok sa ganitong trabaho at 'yung pagbalik ko dito sa new normal na tinatawag.”

Kita-kita rin sa mukha ni Direk Frasco sa online media conference ang tuwa dahil makakasama na niya sa studio ang nag-iisang Michael V.

Wika ng Bubble Gang director, “I'm really excited actually na si Kuya Bitoy [ay] makakasama na namin sa studio finally, kasi hindi ko pa siya nakaka-work. We know each other, pero hindi ko pa siya nakakasama sa studio. Nandoon 'yung excitement ko at tsaka magagaling po kasi lahat sila.”

Heto ang ilang amazing facts tungkol sa Bubble Gang star na si Michael V.: