TV

Bubble Gang: We're ready to save your day mga, Kababol

By Aedrianne Acar

Kung feeling unlucky kayo o 'di kaya may toxic na sitwasyon, handa kayo iligtas ng Bubble Gang barkada from all the negativity!

Kaya this Friday night, panoorin ang mga kalog na sketches na 'Quick Sermon', 'Coffee Maker', 'Jeepney Mentor', at 'Minalas na Taong Grasa'

Umasa rin kayo sa umaatikabong tawanan sa mga paborito n'yo na segment na 'What is the meaning of this?' at 'Master Wushu.'

Siguradong sulit ang pag-iintay n'yo for the past days dahil ibubuhos ni Michael V. at buong Bubble Gang team ang good vibes na mag-aalis ng stress n'yo sa episode ng Kapuso gag show this July 8 sa oras na 9:40 p.m., pagkatapos ng GMA Telebabad.

Heto naman ang ilan sa sexiest photos ng paborito n'yo na Bubble Gang girls sa gallery na ito.