TV

Bubble Gang: Rita Daniela, ginulat ang mga Kababol!

By Aedrianne Acar

Priceless ang reaksyon ng Bubble Gang stars na parte ng segment na 'Marites United' nang biglang sumulpot sa kanilang shoot ang Kapuso diva and soon-to-be-mom na si Rita Daniela.

Sa web exclusive video na 'Marites Prank,' buong akala ng mga Kababol na kasama sa 'Marites United' na sina Valeen Montenegro, Tuesday Vargas, Faye Lorenzo, Analyn Barro, Kim de Leon, Shaira Diaz, at Jennie Gabriel na ang makaka-eksena nila ay si Sef Cadayona.

Pero biglang lumabas si Rita na in character bilang Aubrey ng My Special Tatay.

Heto ang pasilip sa kulit prank video na ito:

Kung gusto n'yo mapanood ang special guesting ni Rita Daniela sa Marites United, panoorin ito sa episode ng Bubble Gang bukas sa oras na 9:40 p.m., after Bolera.

SILIPIN ANG BREATHTAKING PHOTOS NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO: