TV

Paolo Contis, ibinahagi ang paghahanda nila para sa 27th anniversary ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar, Aaron Brennt Eusebio

Mangyayari na ngayong Biyernes ng gabi, November 18, ang highly-anticipated 27th anniversary special ng longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang.

May patikim ang buong team ng show sa pangunguna ng award-winning comedian and creative director na si Michael V. sa pasabog nilang anniversary presentation kung saan bibida rin ang ilang social media superstars tulad nina Manoy, Christian Antolin, Agassi Ching, at Albert “Asian Cutie” Nicolas.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Paolo Contis, ramdam ang excitement nito na maipapalabas na ang pinaghirapan nilang episode.

Ayon sa versatile Kapuso actor, “Very excited kami kasi for the longest time, I think for about, two [or] three years, hindi nakalabas ang Bubble Gang sa studio.

“Actually, bago sa amin ito, kasi lumabas kami. Normally lumalabas ang Bubble Gang tuwing summer special. And we took this opportunity, kahit anniversary namin, na makalabas. At para makita ng tao na somehow, kumbaga, mas nagiging safe na tayo, pero maingat pa rin.”

Dagdag niya, “Exciting kasi bago na 'yung mga sketches na ginawa namin, pinaghandaan namin 'yung mga gagawin. So hopefully after this anniversary, magtuloy-tuloy na 'yung paglabas ng Bubble Gang tuwing summer and we could do more every year.”

Puring-puri rin ni Paolo Contis ang mga bagong Kababol nila na sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi, Kim de Leon, Faith da Silva, at Kokoy de Santos. Para sa Bubble Gang mainstay, malaki ang ambag nila lahat para mas lumawak ang fanbase ng Bubble Gang.

Paliwanag ng Sparkle comedian, “Every couple of years naman nagkakaroon ng mga bago na cast ang Bubble. I believe perfect fit 'yung bagong grupo ngayon sa bagong Bubble. Not because hindi lang magaling na komedyante si Tuesday (Vargas), pero siyempre as we--ako, si Bitoy--as we grow older, the show has to be younger and nadadala 'yun nila Dasuri Choi, nila Kim de Leon. Of course ni Kokoy [de Santos], si Kokoy ang laki kasi nung fanbase.

“Lumalaki 'yung fanbase namin, nagiging younger ika nga.”

Don't miss the 27th Anniversary Special ng Bubble Gang sa November 18, 9:40 PM, mga Kapuso!

GET TO KNOW THE MALE STARS NA PROUD KABABOL HERE: