TV

Angelu de Leon, may nakita sa 'Buena Familia' young stars na nakapagpagaan ng loob niya

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ilang taon na  rin ang binilang ni Angelu de Leon sa industriya, at ngayong makakatrabaho niya ang ilang Kapuso young stars sa upcoming show na Buena Familia, hindi niya mapigilang makita ang sarili kina Kylie Padilla, Julie Anne San Jose, Julian Trono at Mona Louise Rey.

Matatandaang isa si Angelu sa pinakasikat na teen stars noong '90s at sa paglipas ng mga taon, aktibo pa rin ang acting career ng aktres. 

READ: 'Buena Familia,' throwback ng Bobby Andrews and Angelu de Leon '90s love team 

Ano kaya ang first impression ni Angelu kina Kylie, Julie Anne, Julian at Mona Louise? "They're very very professional which makes me very very happy. Minsan kasi 'yon na lang ang hinahanap mo eh. Kasi for sure, kaya rin sila tumagal sa business because they have the talent and everything," sagot niya.

LOOK: 'Buena Familia' cast faces the press 

Dagdag pa niya, "But the professionalism really requires a conscious decision 'di ba which I'm very very happy kaya siguro magaang din 'yung loob ko sa mga bata."

First taping days pa lang daw noon ay todo bonding na sila sa set. Aniya, "Kasi nga, 'pag wala kaming ginagawa, nagne-Nae Nae kami. 'Yung mga ganoon. And it's one big happy family in the set."

WATCH: 'Nae Nae' dance showdown: 'The Half Sisters' vs 'Buena Familia'