TV

Angelu de Leon at Bobby Andrews, magkakaroon ng kissing scene sa 'Buena Familia'

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Noong '90s, puro daya pa lang ang kiss at bihira sa isang youth-oriented show tulad ng TGIS (Thank God It's Sabado) na makakita ng ganoong mga eksena. Kaya ayon sa nagbabalik-tambalan na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews, gagawin na raw nila sa Buena Familia ang matagal na hinihintay ng kanilang fans.

READ: Bobby Andrews at Angelu de Leon, balik-tambalan sa 'Buena Familia' 

"Kung dati [ay] holding hands lang, ngayon [ay] maghahalikan na kami," pahayag ni Bobby.

Pero ayon kay Angelu, bukod sa love team nila ni Bobby, mas dapat daw abangan ang pagtatambal ng young stars tulad nina Kylie Padilla at Martin del Rosario and Julie Anne San Jose at Jake Vargas sa Afternoon Prime soap.

READ: Julie Anne San Jose, confident na magiging effective ang love team nila ni Jake Vargas

"Sabi nga namin ni Bobby, pang-throwback na lang kami o kaya flashback Friday," ani Angelu.

READ: 'Buena Familia,' throwback ng Bobby Andrews and Angelu de Leon '90s love team

Hiling daw ni Angelu na huwag ma-associate ng kanilang fans sina Peachy at Joaquin sa kanilang characters ngayon. "Pero nakakatuwa kasi nga may scenes na ginawa kami na 1995 'yung setting at 'yung wardrobe. Nakakatuwa lang balikan 'yung mga panahon na 'yon. Sana nga lang, hindi pa nila ma-associate sina Peachy at Joaquin kay Bettina at kay Arthur," saad niya.

Ibang-iba raw ang makikita ng viewers kay Bobby and Angelu. "It's so different and we've grown up a lot and at the same time, kung dati, nagpapakilig lang kami, pinapakilig namin kayo, ngayon [ay] serious na kami," pagtatapos ni Bobby.