TV

Ang hustisyang hinahanap ni Trixie



Ano ang karapatan ni Amanda na awayin at itulak si Mama? Hindi ko matanggap na sa isang iglap lang, wala na si Mama. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya, o nasabi kung gaano ko siya kamahal bago siya mawala. I am one big mess, and yet tinanggap niya ako with open arms. She does not deserve this.

Ang masama pa niyan, nanay pa ng babaeng kinalolokohan ni Yago itong si Amanda. Catarina, Carmela, whatever her name is…I won’t let her manipulate my son. Namatay na nga ang Mama nang dahil sa mag-inang iyon and now, gusto naman nilang siraan si Papa. Ako mismo ang kakalaban sa kanila.

Magmula ngayon, hindi na dapat makipagkita si Yago sa mga ingratang iyon. They are just fooling him, just like how that Catarina or Carmela woman fooled my father noong nagtrabaho siya as his secretary, just to win his trust.

Masakit para sa akin na kumakampi pa si Yago sa dalwang iyon. Kinokontra niya si Papa at ayaw niya akong samahang ipaglaban si Mama. Ano ba ang ipinakain nila kay Yago? I don’t even know these people pero sobra-sobra ang panggugulong ginagawa nila sa aming mga Torres at sa buong Sta. Maria. Kung gusto nila mag-eskandalo, magsubukan na lang kami.

Bakit ba parang ako lang ang galit na galit sa nangyari? Kahit si Dante, parang humaling na humaling sa Carmelang iyon. Hindi talaga siya nababagay kay Yago. Minabuti ko nang kausapin ang aking anak. Hindi ba’t blood is thicker than water dapat? Nasaan ang loyalty ni Yago?

Kahit anong sabihin ko, ayaw pa rin niyang lumayo kay Carmela. If he can’t do this for Mama or Papa, he should at least do this for me. Siya pa nga mismo ang nakakita na itinulak ni Amanda si Mama kaya siya namatay, ngunit para kay Yago, hindi sapat ang kanyang nakita para maipakulong si Amanda.

Gagawa ako ng paraan para mabigyan ng hustisya si Mama. I’ll make sure that Yago will be on my side, on our family’s side, in no time. After all, Yago is all I have. Alam kong kakampihan ako ng anak ko kapag na-realize niya kung anong klaseng tao sina Amanda at Carmela. I swear on my mother’s grave, hindi ako magpapatalo!