TV

Ang pagdadalamhati ni Yago


Ang tagal na naming hindi nagkikita ni Carmela. Hindi ko siya matawagan at hindi rin niya sinasagot ang mga sulat na pinadala ko. Kilala ko siya and I will never doubt her. Gusto ko lang malaman kung okay ba siya. Miss na miss ko na siya. Sana makapiling ko na siya ulit.

Hindi pala talaga biro kapag wala sa tabi mo ang minamahal mo. Inaamin ko, may times na feeling ko naa-attract ako sa iba, katulad ni Eunice. Maganda siya, mabait, pero may girlfriend na ako kaya for the longest time, I’ve been trying to avoid her.

Recently, bumalik ako sa Sta. Maria. Nagtataka na kasi ako na pati si Janine, hindi ko ma-contact. Noong nagkita kami ni Ma, nalaman ko na inatake sa puso si lolo. Yes, he has his faults pero siyempre, masakit para sa akin na makita siyang ganoon dahil pamilya ko siya.

Hindi rin nakagaan sa loob ko ang mga pinagsasasabi ni Ma tungkol kay Carmela. Iyong inakala ko daw na birhen at matinong babae ay kasalukuyang karelasyon na ni Tito Dante ngayon. Nagkakamabutihan na raw sila ngayon. Alam kong galit lang si Ma kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon.

Nang makasalubong ko si Ate Yolly, ganun rin ang mga sinasabi niya. Walang araw na hindi magkasama sina Carmela at Uncle Dante. Ako ang mahal ni Carmela kaya imposible iyon. Nagseselos lang si Ate Yolly kasi hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapag-move on kay Uncle Dante.

Hindi makukumpleto ang punta ko sa Sta. Maria kung hindi ko makikita si Carmela. Nagmadali akong puntahan siya pero hindi ako handa para sa nakita ko. Magkayakap at magkahawak ng kamay sina Carmela at Uncle Dante. Ang higpit pa ng yakapan nila.

Paano nagawa ni Carmela sa akin ito? Iwas na iwas ako kay Eunice tapos siya, nakikipagyakapan sa iba? Nakita ako ni Carmela at agad akong niyakap habang umiiyak. Masayang masaya daw siya na makita akong muli. I just had to slowly push her away.

I told her na kitang-kita ko ang pagyayakapan at pagho-holding hands nila ni Uncle Dante. Totoo pala after all ang sinasabi nina Ma at Ate Yolly. Pinagtanggol ko pa naman siya. Pinaglaban ko siya. Hindi naman pala worth it. Kahit sinabi pa niyang walang namamagitan sa kanila ni Uncle Dante, I know what I saw at sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. Wala ng patutunguhan ang relasyong ito.

I found myself venting to Ate Yolly, she and I, parehong sawi sa pag-ibig. Dinaan na lang namin sa inuman ang sakit na nararamdaman namin. Hindi ko na siguro babalikan si Carmela. Sinira niya ang tiwala ko. Hindi ako martir katulad ni Ate Yolly na kahit ilang beses pa siyang saktan ni Uncle Dante ay habol pa rin ng habol. Ipinaglalaban daw niya si Uncle Dante dahil mahal niya ito. Dapat ko rin daw ipaglaban si Carmela. Tinanong niya ako kung mahal ko pa rin si Carmela. Hindi ko man siya sinagot, alam kong hindi ko makakalimutan si Carmela ng ganoon lang.

I left for Manila. I just had to leave all the madness behind. Tinawagan ako ni Carmela minsan, but I couldn’t get myself to answer the phone. Hindi ako handa. Kailangan ko ng time para makapag-isip. Maybe I should distract myself and hang out with friends. Iinom dapat kami ni Wally. Hindi ko naman alam na isasama niya si Eunice.

It’s not a good idea to discuss my problem with them kaya uminom na lang kami. Kaya lang, nang marami na akong nainom, nasabi ko rin sa kanila na sawi ako sa girlfriend ko dahil pinagpalit niya ako sa sarili kong Uncle. Nag-react si Eunice na hindi bagay sa akin ang mga babaeng lolokohin ako. Marami pa daw ibang babae na magiging tapat sa akin at mamahalin ako ng totoo.

The next thing I knew, nasa bahay na ako. Did I pass out? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Maybe I should just let this moment pass by. Magiging memories na lang ba ang moments namin ni Carmela? Hindi ko masagot. Ang alam ko lang ay nagdadalamhati ako ngayon,