TV

Magkrus kaya ang landas nina Carmela at Yago sa Sta. Maria?


Noong nakaraang linggo, parehong lumisan sina Carmela at Yago. Hindi nila alam na iisang lugar lamang pala ang kanilang pinuntahan, ang Bayan ng Sta. Maria.

Pagkarating ni Yago sa Sta. Maria, nakilala niya ang ilang mga kamag-anak niya kabilang na ang kapatid ng Lola Fides niya na si Dante at isang babae na nagpaalala sa kanya kay Carmela kaya lalo lang siyang nalungkot.

Lingid sa kanya ay napagdedesisyonan na ni Carmela na iwanan sina Lola Wagay para pumunta sa Sta. Maria nang sa gayon ay maisagawa na niya ang matagal na niyang binabalak.

Namangha ang lahat pagkakita kay Carmela, kabilang na sina Trixie, Fides at Dante. Sa mata ng karamihan, may hawig si Carmela sa Birheng Maria. Pinuntahan naman nina Yago at Janine si Fernando na abala pa rin sa pag-iimbestiga sa pagnanakaw ng imahen ng Birheng Maria. Nagimbal na lang si Amanda pagkakita sa sorpresa sa kanya ni Major - si Major pala ang kumuha ng imahen! Dahil doon natakot si Amanda at muli niyang naalala si Carmela.

Bigla namang sumulpot si Amanda sa fiesta at pinagsabihan siya ni Nida na umalis na. Naroon pala si Amanda para kumustahin ang kalagayan ni Janine. Naikuwento rin ni Nida kay Amanda ang tungkol sa magandang babae na dumating sa bayan nila. Natakot si Amanda para sa babae.

Nagpasama si Dante kay Yago na hanapin ang magandang babae na nakita nila. Dahil sa walang matirhan si Carmela, tumuloy muna siya sa bahay ng assistant ni Fernando na si Delia. Bago sila umuwi, nakilala ni Carmela si Aliyah. Naraanan din nila ang dating bahay nina Carmela. Nagpalusot si Carmela at nagpaiwan muna. Pinagmasdan niya ang harap ng bahay nila at naalala niya ang masasayang araw na kasama niya si Amanda.

Nagtanong- tanong sina Dante sa mga taong bayan tungkol sa magandang babae. Nagtaka naman si Fides dahil hindi isinama ni Fernando ang bisita niya sa bahay nila. Naroon pa rin si Carmela sa tapat ng bahay nila nang walang ano-ano’y may humintong sasakyan. Laman nito si Amanda, na takang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa harap ng bahay nila.

Dumating bigla si Aliyah at tinawag na “Catarina” si Carmela. Nadismaya tuloy si Amanda dahil akala niya ay si Carmela na ang babae. Agad na lang siyang umalis.

Dahil sa magandang babae na gustong makita ni Dante, hindi na niya sinamahan si Yago sa Maynila. Nagtatrabaho si Carmela kay Fernando nang biglang dumating si Dante at nabangga niya si Carmela. Kapwa interesado kay Carmela sina Fernando at Dante. Para matiyak na hindi siya makukuha ni Dante, siniraan ni Fernando si Dante kay Carmela. Ibinida pa niya ang sarili rito.

Ano ang kapalarang naghihintay kina Yago at Carmela sa bayan ng Sta. Maria? Nagtungo roon si Yago upang humingi ng tulong kay Fernando, habang si Carmela ay nagtungo roon upang paghigantihan si Fernando. Ano ang mangyayari kapag nabunyag na ang buong katotohanan?

Huwag palampasin ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, gabi-gabi pagkatapos ng Adarna sa GMA Telebabad.

-Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com