TV

Ang pagbabalik ng hulaan at hulihan sa 'Catch Me Out Philippines'

By Maine Aquino

May exciting na pagbabalik ang Catch Me Out Philippines!

Ngayong July 31, magbabalik na ang Catch Me Out Philippines sa GMA Network para sa Sabado ng gabi na puno ng hulihan at hulaan. Mapapanood na natin ang mga world class performance na inihanda ng mga baguhan.

Photo source: Catch Me Out Philippines

Mapapanood sa Catch Me Out Philippines ang host na si Jose Manalo at ang regular Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio. Makakasama rin ang mga weekly celebrity Spotters and Catchers tulad nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Allan K at Aiai Delas Alas.

Abangan ang pagbabalik ng Catch Me Out Philippines ngayong July 31, 7:15 p.m. sa GMA Network.

'Catch Me Out Philippines,' magbabalik na ngayong July!