TV

EXCLUSIVE: Cast ng 'Celebrity Bluff,' ano ang plano ngayong Pasko?

By Cherry Sun

Ang makapiling ang kanilang mahal sa buhay; ito ang hiling at plano ng cast ng Celebrity Bluff ngayong Kapaskuhan.

Bahagi ni Eugene Domingo sa exclusive interview ng GMANetwork.com, tutungo siya sa Italy para mag-celebrate kasama ang kanyang nobyong si Danilo Bottoni.

Aniya, “My Christmas plan is to spend it with my forever, and then siguro ‘yung bakasyon na masarap. Actually hindi siguro, sure na sure talaga, sigurado… para pagbalik ng January, another year tapos more energy, more fun, fresh.”

Ito rin daw ang hiling niya para sa lahat ngayong holiday season.

Dagdag ni Uge, “So ngayong Pasko, ang wish ko para sa lahat [is] ‘yung mag-enjoy [ngayong] holiday season. Enjoyin natin ‘to kasi panibagong taon na naman for all of us.”

Simple ngunit memorable naman ang nais na selebrasyon ni Boobay. Kahit hindi niya makakapiling ang kanyang nobyong si Kent Juan Resquir dahil nagtatrabaho ito sa Australia, hindi naman siya nag-iisa dahil makakasama niya ang kanyang pamilya.

Sambit ng komedyante, “Siyempre kailangan to be with my family, ayan. Tapos pasayahin sila kasi siyempre tuwing Pasko, ‘yun ‘yung time talaga na dapat nagkakasama kayo though very important naman na kahit hindi Pasko, dapat magkasama kayo. Pero, ito ‘yung napaka-espesyal na araw na dapat kayo magkakasama.”

Kung nasa Amerika ang karamihan ng pamilya ni Edu Manzano, malalayo rin muna si Donita Nose sa kanyang mga mahal sa buhay dahil may trabaho siya sa Canada. Gayunpaman, plano ng komedyante na bumawi at makipag-bonding sa kanyang ina at nobyo sa ibang bansa.

Kuwento ni Donita tungkol sa plano niya para sa kanyang ina, “Ang plano ko pag-uwi ko galing Canada, di ko alam kung magho-Hong Kong kami o Japan. Gusto ko siya isama sa Canada actually. Ang problema, hindi niya kakayanin ‘yung weather.”

“Pagbalik na lang, meron kaming [trip to] Korea… ‘yun ang pinaka-ano namin, Christmas getaway together,” bahagi naman niya tungkol sa plano nila ng boyfriend niyang si Ricky Conde.

#RelationshipGoals: Meet Donita Nose's non-showbiz boyfriend Ricky Conde