TV

WATCH: Sunshine Cruz, Donita Rose, Ruffa Gutierrez, may update tungkol sa kanilang love life

By Cherry Sun

Ilan sina Sunshine Cruz, Donita Rose at Ruffa Gutierrez sa mga bumisita bilang celebrity players sa Celebrity Bluff nitong nakaraang Sabado, April 14. At di naiwasan ni Eugene Domingo na kumustahin ang kanilang love life.

Minsan nang nabalita ang nakakalungkot na sinapit ng buhay-mag-asawa ng tatlong aktres. Pero sa kanilang binigay na update ay masasabing maganda ang estado ng kanilang puso ngayon.

“Basta kung ano ‘yung itsura ng aking damit, ‘yun din po [ang feelings ko],” sambit ni Sunshine habang tinutukoy ang kanyang mapula at bulaklaking pang-itaas.

Masaya naman ang ibinahagi ni Donita Nose tungkol sa kanyang dating asawa.

Aniya, “Actually, I’m happy to announce na ang aking ex at ako ay friends na.”

Samantala, nakakatuwa naman ang ginawang paghugot ni Ruffa.

Pahayag niya, “Ate Uge, when we met durog ang aking puso. Ngayon, steady lang.”

Dagdag pa niya tungkol sa kanyang ex, “Kami ano lang, wala lang. Nag-uusap, 'di pa siya nagpapadala ng pera eh. Kay Donita nagpapadala na kaya friends na sila.”

Panoorin ang kanilang naging revelation at ilan pang highlights ng Celebrity Bluff dito: