
Ang kulitan at kaalaman muling nabahiran ng kilig at pagmamahalan nang maglaro ang tatlong Kapuso love teams sa Celebrity Bluff
Nitong Sabado, June 20, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Kung noong nakaraan ay real-life celebrity couples ang naglaro, Kapuso love teams naman ang naki-'Fact or Bluff' nitong Sabado. Kabilang dito sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia at Ruru Madrid, at Vaness del Moral at TJ Trinidad. Ang tambalang BiGuel at GabRu, naglaban pa sa isang apple-eating challenge.
Samantala, hindi naman nagpatalo sa pagpapakiig sina Eugene at Jose. Ang #JoGe love team, kinasal pa kunwari!
Panoorin:
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.