TV

Eugene Domingo at bluffers, makikipagsabayan sa players sa 'Celebrity Bluff' ngayong Sabado

By Cherry Sun

Mas pinabongga ang mga paandar na mapapanood sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, July 4!

Ang teams na binubuo nina Rhian Ramos at Luis Alandy, Katrina Halili at Benjamin Alves, at Joyce Ching at Kristoffer Martin ang makakasama nina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Handa na ba kayong maki-'Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.