'Bubble Gang' stars, maglalaro sa 'Celebrity Bluff'
Published August 20, 2020, 04:25 PM
Sanib-puwersa ang mapapanood na katatawanan sa Celebrity Bluff dahil Bubble Gang stars ang maglalaro ngayong Sabado, August 22.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Paniguradong magiging riot naman ang palitan ng kaalaman at katatawanan dahil mga Ka-Babol ang maglalaro. Maglalaban-laban ang team nina Gwen Zamora at Antonio Aquitania, nina Chariz Solomon at Boy 2 Quizon, at nina Rufa Mae Quinto at Diego.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.