TV

Eugene Domingo at Jose Manalo, nag-a la bagong kasal sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Nag-a la bagong kasal sina Eugene Domingo at Jose Manalo sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, August 16, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang mga naggagandahang pares ng celebrities. Magkakampi sina Venus Raj at Ken Alfonso, temmates sina Ariella Arida at Ervic Vijandre, at tandem naman sina Shamcey Supsup at Lloyd Lee.

Nagpakita ng kanilang trademark na pagrampa ang mga bisitang beauty queen - si Ariella at ang kanyang 'Ariba Walk', si Venus at ang kanyang 'Pilapil Walk,' at si Shamcey at ang kanyang 'Tsunami Walk.'

At dahil nakasama rin nila ang kanilang special friends at partners noon, hindi naman nagpahuli sina Eugene at Jose.

Pakilala ng host sa celebrity bluffer, “Ang pambansang manliligaw at soon-to-be sweet lover.”

Bago matapos ang unang round ay binuhat pa ni Jose si Eugene na tila bagong kasal.

Panoorin ang buong video ng August 15 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.