TV

Eugene Domingo, nag-panic nang puluputan ng ahas?

By Cherry Sun

Game na game si Eugene Domingo na buhatin sa kanyang balikat ang isang sawa hanggang sa mag-panic ang Kapuso host sa December 19 episode ng Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, December 19 muling napanood sina Eugene Domingo at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Habang wala sina Jose Manalo at Brod Pete ay nagsilbing guest bluffers sina Mike “Pekto” Nacua at Pauleen Luna.

Game na game namang naki-“Fact or Bluff” ang tatlong celebrity pairs. Magkakampi sina Christian Bautista at Frencheska Farr, teammates naman ang mga anak ni Aiai Delas Alas na sina Sancho at Soph, at magkagrupo sina Gardo Versoza at Donita Rose.

Naging katanungan sa round ng “Fact or Bluff” kung ano ang numero unong kinatatakutan ng mga Amerikano ayon sa isang 2015 study. Public speaking ang naging sagot ni Pauleen habang bomba naman ang sagot ni Boobay. Samantala, ahas ang naging sagot ni Pekto at laking gulat na lamang ng komediyante nang isang albino na sawa ang ipinasok sa studio.

Ikinatuwa naman ni Eugene ang kanilang kakaibang bisita sa studio at nag-volunteer pa siyang suotin paikot sa kanyang leeg at mga balikat ang ahas. Cool na cool and Celebrity Bluff host hanggang sa kumilos ang ahas.

Maliban kay Eugene, sinubukan din ni Boobay na buhatin ang sawa na mas pumulupot sa katawan ng komediyante.

Maiwasan niyo kayang mag-panic kung sa inyo mangyari ang naging karanasan nina Eugene at Boobay? Panoorin ang buong video ng December 19 episode sa itaas.