TV

Celebrity bluffers, nanghula ng kapalaran ng mga artista

By Cherry Sun

Ramdam na ang pagpasok ng Chinese New Year sa Celebrity Bluff lalo na't may kanya-kanyang predictions ang celebrity bluffers tungkol sa kanilang guest players.

Nitong Sabado, February 6 napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Samantala, tatlong celebrity pairs naman ang dumating para subukan ang kanilang suwerte sa pakikipag-“Fact or Bluff.” Magka-team sina Max Collins at Luis Alandy, tandem sina Betong Sumaya at Jan Manual, at magkakampi sina Chynna Ortaleza at Enzo Pineda.

Dahil nalalapit ang Chinese New Year, feeling feng shui experts and masters in fortune-telling ang celebrity bluffers.

Compatible nga ba si Eugene na born in the Year of the Pig at si Jose na born in the Year of the Horse? Yayaman nga ba si Max sa pagpasok ng bagong taon? Matatagpuan na nga ba ni Jan ang kanyang “the one?” Ano ang kapalarang nag-aabang kay Chynna?

Panoorin ang February 6 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.