TV

Jose Manalo, pampasuwerte raw kay Eugene Domingo?

By Cherry Sun

Si Jose Manalo raw ang pampasuwerte sa buhay ni Eugene Domingo.

'Yan ang pagpapakilala ng host sa celebrity bluffer sa February 13 episode ng Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, February 13, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Pagpapakilala ni Eugene kay Jose, “Ang nagdadala ng suwerte sa aking buhay.”

Samantala, tatlong Kapuso stars na naging FHM models naman ang naglaban-laban sa pakikipag-“Fact or Bluff.”

Ka-tandem ni LJ Reyes and kanyang handler na si Tracy, teammate ni Dana Zubiri ang kanyang personal assistant na si Marjory, at kakampi ni Jackie Rice ang kanyang personal assistand din na si Beth.

At dahil kapapasok pa lang ng Lunar New Year, tuloy pa rin ang palm-reading, fortune-telling, at consultations sa feng shui ng celbrity bluffers.

Muling binasa ni Jose ang kapalaran ni Eugene.

Aniya, “Ikaw, ganda career, ganda lahat. Iyong negosyo, ganda pero ikaw dito liligaya.”

Dagdag pa ng komeidyante ay sa studio raw makilala ng host ang kanyang iibigin.

Panoorin ang February 13 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.