TV

Boobay, ipinakilala ang kanyang twin sister!

By Cherry Sun

Napuno ng riot ang Celebrity Bluff nang ipakilala ni Boobay ang kanyang twin sister!

Nitong Sabado, February 27 napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Samantala, tatlong pares ng celebrities ang nagharap-harap para maglaro ng “Fact or Bluff.”

Teammates sina Empress Schuck at Geoff Eigenmann, magkakampi sina Sunshine Dizon at JC Tiuseco, at magka-tandem sina Juancho Trivino at Gabby Eigenmann.

Sa unang round, habang nagpapaliwanag ng kanyang sagot si Boobay, nagulat si Eugene at ang bluffers at celebrity players nang biglang may nagsalita.

Kasama pala kasi ng komedyanteng si Blasphemy, ang kanyang twin sister.

Katatanggap lamang ni Boobay sa kanyang kakambal ngunit tila napasama agad ang kanilang relasyon.

Ang kanilang pagtatalo tungkol sa isang sagot nauwi kasi sa sampalan on-air!

Panoorin ang February 27 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.