What's on TV

Boobay, nagpaalam kay Marian Rivera para sa halik ni Dingdong Dantes

By Cherry Sun
Published March 10, 2021 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CBCP call for prayers, aid for OFWs, dialogue amid global conflicts
Foreign Exchange Rate (May 20, 2026) | One North Central Luzon
Bangsamoro Darul-Ifta' says Eid al-Adha 2026 is on May 27

Article Inside Page


Showbiz News

 Dingdong Dantes kissing Boobay


Sana all! Nakatanggap ng kiss si Boobay mula kay Dingdong Dantes! Balikan ang episode ng 'Celebrity Bluff na 'yan dito!

Tinawagan pa talaga ni Boobay si Marian Rivera para sa kiss ni Dingdong Dantes! Ang nakakainggit na tagpong ito, napanood sa Celebrity Bluff!

Nitong Sabado, March 6, napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Habang wala si Brod Pete ay si Dingdong muna ang umupo bilang guest bluffer.

Tatlong celebrity moms naman ang nagtapat-tapat sa paglalaro ng “Fact or Bluff” kasama ang kanilang mga anak. Teammates sina Alma Moreno at Winwyn Marquez, tandem sina Eula Valdes at Miguel Valdes, at magkakampi sina Melissa Mendez at Denisse Oca.

Ngunit bago magsimula ang unang round, agaw-eksena na agad si Boobay nang magpakilala siya bilang si Marian Tubera at dumating na nakabihis sa iconic red gown ng Kapuso Primetime Queen na suot nito nang tanghalin siyang three-time sexiest woman in the Philippines ng isang men's magazine.

Agad na nakilala ni Dingdong ang bihis ni Boobay, at para i-reenact ang isang sweet moment ng Kapuso royal couple, tinawagan pa ng komedyante si Marian.

Pumayag nga kaya ang aktres na halikan ng kanyang mister si Boobay?

Panoorin ang March 6 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.