
Hindi lang pangtawanan at pangkaalaman, kundi pang-sports na rin ang Celebrity Bluff sa pagdating ng celebrity atheletes ngayong Sabado, March 13.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Samantala, haharap sa bluffers upang maki-“Fact” or “Bluff” ang tatlong pares ng celebrity athletes. Teammates sina LA Revilla at Denden Lazaro. Tandem sina Dindin Santiago at Chico Manabat. Magkakampi naman sina Rex Intal at Mark Alfafara.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!