TV

Sexbomb Girls, Abztract Dancers, Universal Motion Dancers, hahataw sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

May tawanan na, may sayawan pa! Tatlong pares ng celebrity idols kasi ang maglalaro sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, April 17.

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.

Samantala, maglalaban-laban hindi lang sa pakikipag-“Fact” or “Bluff” ngunit pati na rin sa dance floor ang tatlong pares ng dance idols. Aariba ang Sexbomb Girls na sina Aira at Louise, magpapaindak ang members ng Abztract Dancers na sina Arthur Solinap at Dino Guevarra, at mapapasayaw kayo nina Wowie de Guzman at Jim Salas ng Universal Motion Dancers.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!