TV

Boobay, may pasabog sa 'Celebrity Bluff' ngayong Sabado!

By Cherry Sun

Bida si Boobay sa episode ng Celebrity Bluff ngayong Sabado, May 8!

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show at bibisita ring muli si Boobsie Wonderland!

Samantala, tatlong pares naman ng celebrities ang makikipagkulitan para maki-“Fact” or “Bluff.” Hindi magpapakabog ang tandem nina Ate Gay at Patricia Ishmael. Magkakampi sina Sheena Halili at Enzo Pineda. Partners naman sina Polo Ravales at Rufa Mi.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff" kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!