TV

Alden Richards, may pa-birthday kiss para kay Boobay?

By Cherry Sun

Nakatanggap ng birthday kiss si Boobay mula kay Alden Richards! Balikan ang kilig ng komedyante sa May 15 episode ng Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, May 15, napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Father-and-son tandem naman ang naglaro para maki-“Fact or Bluff.” Magkakampi sina Mark Gil at Gabby Eigenmann. Magkagrupo sina Alden Richards at Daddy Bae Richard Faulkerson Sr, Daddy Bae, Teammates din sina Coach Eric Altamirano at Luigi Altamirano.

At dahil tampok sa episode ang special birthday celebration ni Boobay, nakatanggap siya ng halik mula mismo kay Alden.

Panoorin ang isa na naman kilig moment ni Boobay sa Celebrity Bluff sa video sa itaas.