TV

May PhP 500,000 winner sa Celebrity Bluff ngayong Sabado!

By Cherry Sun

Mamimigay ng PhP 500,000 si Eugene Domingo at Celebrity Bluff ngayong Sabado, June 12!

Mapapanood pa rin sina Eugene, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show ngayong Sabado.

Tatlong pares naman ng celebrities ang maglalaro para maki-“Fact” or “Bluff.” Magpapasiklab sina Gardo Versoza at Gabby Eigenmann, magpapamalas ng galing sina Ice Seguerra at Liza Dino, at hahataw din sina Renz Fernandez at Wowie de Guzman.

Sino kaya ang masuwerteng pares na magwawagi ng PhP 500,000?

Maki-“Fact" or "Bluff' na kasama ang inyong mga paboritong artista!

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!